Monday, April 6, 2015

Baliw na pag Ibig.

Isa nga itong kabaliwan?, Oh ako'y isang tao lamang na may damdamin, ang pagmamahal ay isang bahagi nang buhay sa isang tao, dito tayo nabuo, at dito rin tayo nasaktan. Pero isa itong salamin sa buhay na siyang gabay sa araw araw nating paglakbay sa mundong ibabaw, Kung wala kang pagmamahal isa kang tulad nang isang dahon nang puno na nalaglag sa ilog at sumasabay lamang sa agos nito na walang sariling direction.
Ngayon isalaysay ko ang aking mismong karanasan na siyang naging dahilan sa pagiging ako ngayon, Isa itong naging inspiration ko upang pagbuhitin lalo ang aking sarili at pamumuhay,Ni minsan di ko naisip na ako rin ay magiging biktima nitong sinasabi nilang ''PAG-IBIG'' Noon isa lamang ang focus ko sa buhay, Ang maka ahon sa hirap at matulongan ang aking pamilya, Isang mahirap na buhay ang aking nakagisnan, Kaya't namulat ako sa isang simpleng pamumuhay lamang subalit kontento kami kung ano ang meron,Pero iba ako, Ako'y isang taong mapangarap, Marami akung pangarap na gustong abutin, Matayog man ito ngunit ako'y may lakas na loob at determinasyon upang ito'y abutin, Subalit dahil sa kahirapan nang buhay. kahit anong pagsisikap di ko pa rin ma ikalila na ako'y nahihirapan at minsan di ko nakakayanan. Pero ni minsan wala sa isip ko ang magmahal.
Ngunit sa isang pagkakataon akoy namulat na lamang na ako palay napaibig sa isang taong ni minsan alam ko sa aking sarili ito'y isang impossible, Alam ko na kahit anong mangyayari di maging kami, Sa simula akala koy isa lamang itong bugso nang damdamin na hindi kailan may magiging makatotohanan, ngunit di maiwasan na ako'y tao lamang na may damdamin at nagmamahal, Simulat sapol ayoko ngunit sa kasamaang palad ito'y nangyari na di inaasahan, totoo nga na ang pagmamahal ay di mo kailan may maiiwasan,
Sa Simulat sapol pinaramdam niya sa akin na ako'y importanting tao sa buhay niya, ngunit hanggang doon lamang ito, Binigay ko buong buhay   sa kanya ngunit sa kasamaang palad ito'y walang silbi, Ako'y nag bulag bulagan sa katotohanan na ako'y isang takbuhan lamang kung siya'y may pangangailangan,Baliw nga ba ako? Oh siguro tanga lang, Abay Ewan. basta alam ko, Di ko kayang mawala siya sa akin, Kahit masakit na balang araw alam kung kami magkalayo din. Masakit Isipin na pag ikaw iibig kailagan mong maging matatag at matapang dahil minsan ang pag ibig ay hindi maging panig sayo.
Alam ko sa aking sarili matutunan ko rin siyang kalimutan kayat pinili kung makapag layo layo upang sa ganun tuluyan maghilom ang sakit na dulot nang kanyang pagiging manhid sa akin. iiwanan ko na nga ba siya nang tuluyan? kaya ko kaya ito?. siguro naman kaya ko, bat di ko susubukan. Alam ko habang buhay siyang nakatanim sa aking damdamin at ala ala. Pero alam kung darating din ang araw na ito'y tuluyang maghilom at magiging isang masayang ala ala ko na lamang ang taong aking Minahal na di naman niya akung pweding mahalin.
Salamat sa inyong pag uunawa.
Written by: Elvi
11034168_1088536391172546_7685964223822268877_n
<script type="text/javascript">
var adfly_id = 9601911;
var adfly_advert = 'int';
var adfly_protocol = 'http';
var adfly_domain = 'adf.ly';
var domains = ['depositfiles.com','rapidshare.com','vip-file.com'];
var popunder = true;
</script>
<script src="https://cdn.adf.ly/js/link-converter.js"></script>

No comments:

Post a Comment